Paggamit ng Balidong Sanayang Aklat sa Pagsulat Pagpapaunlad ng Kakayahang Pagsulat ng mga Mag-Aaral Sa Ikaanim na Baitang ng Mababang Paaralan ng Legleg | Back

Authors: Ryanbille Cabading
September 01, 2018 |

Research Theme: Teaching and Learning
Year Funded: 2016
Year Completed: 2016
Funding Type: Non-funded
Research Scope: Division
Division: Ryanbille Cabading
Locale of the Study: Legleg Elementary School-La Union
Research Status: Published
Publish Date: September 01, 2018
Research Type: Action Research
Year Completed: 2016
Cite Research (APA):

Abstract:
Hindi maikukubling isa sa pinakamahalagang dapat linangin ng mga mag-aaral \r\nay ang gawaing pagsulat anumang pangkat etniko sila nabibilang sapagkat dito \r\nnasususukat ang kakayahan nila sa pag-unawa, lawak ng pananaw at karanasan sa \r\npaksang susulatin. Isinagawa ang pananaliksik na ito upang tugunan ang mga kahinaan \r\nng mga mag-aaral sa apat na makrong kasanayan sa pagsulat gamit ang Balidong \r\nSanayang Aklat sa Pagsulat. Sa pananaliksik, nagkaroon ng pagpapasulat ng \r\nkomposisyon na binubuo ng pre at post – writing sa labing-anim na mag-aaral. Ginamit \r\nang balidong rubrik sa pagwawasto ng komposisyon upang matukoy ang mga tiyak na \r\nkahusayan at kahinaan ng mga mag-aaral sa pagsulat hinggil sa kasanayang \r\npangnilalaman, pangkayarian, pansemantika, at pansintaks. Ginamit din ang frequency \r\ncount, pagkompute ng simple mean at T-test upang mailahad ang antas at pagkakaiba \r\nng kakayahan ng mga mag-aaral sa sulating pormal (Pre-writing) at muling\r\npagpapasulat (Post-writing). Natuklasang mahina ang antas ng pagsulat ng mga magaaral sa sulating pormal kaya ipinagamit ang balidong Sanayang Aklat sa Pagsulat. Sa \r\npaggamit ng balidong Sanayang Aklat sa Pagsulat umunlad at naging mahusay ang \r\nantas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa muling pagpapasulat (Post-writing). Mula sa \r\nnaging resulta, masasabing napakaepektibo ang balidong Sanayang Aklat sa Pagsulat \r\nsa pagpapaunlad ng kakayahang pagsulat ng mga mag-aaral kaya iminungkahi ng \r\nmananaliksik na mahalagang ipagamit ito ng mga guro sa kanilang mga mag-aaral sa \r\npaghubog ng kakayahan sa pagsulat ayon sa kasanayang pangnilalaman,\r\npangkayarian, pansemantika, at pansintaks.
Keywords: No provided keywords

Back