Ang Class Point Bilang Pedagohikal ant Intraktibong Estratehiyang Pampagtuturo sa Pagpapataas ng Pangklaseng Pakikilahok at Pagkatuto ng mga Mag-aral sa Grade 10 | Back
June 04, 2026 |
| Research Theme: | Teaching and Learning |
| Year Funded: | 2023 |
| Year Completed: | 2023 |
| Funding Type: | Non-funded |
| Research Scope: | Division |
| Division: | Dagupan City |
| Locale of the Study: | Dagupan City |
| Research Status: | Completed |
| Research Type: | Action Research |
| Year Completed: | 2023 |
| Cite Research (APA): |
Abstract:
Isinagawa nag pananaliksik upang mapaunlad ang antas ng pangklaseng pakikilahok at bisa ng applikasyong classpoint sa pagpapataas ng pangklaseng pagkatuto ng mga mag-aaral sa grade 10. Gumamit ang mananaliksik ng classpoint bilang solusyon sa mahabang antas ng pangklaseng pakikilahok at pagkatuto ng mga mag-aaral. Gumamit ang mananaliksik ng observation sheet at pagsusulit sa pangangalap ng mga datos. Nakita ng mananaliksik ang pag-unlad sa pangklaseng pakikilahok mula sa mababang-mababang antas tungo sa mataas na antas. Umakyat ang antas ng kanilang pagkatuto mula average mastery tungo sa closely approximating mastery. Pinatunayan ito sa pagtaas ng mean score at mean percentile score ng mga mag-aaral pagkatapos ng posttest. Ipinakita sa resulta ng T-test na may makabuluhang pagkakaiba ang mga pangkat na ginamit sa pag-aaral. Nakapagtala ng labingwalong puntos (18.00) na test statistics (t-stat) at dalawang punto zero at dalawa (2.02) na t-critical para sa dalawang tails. Dahil sa mas mataas ang t-stat sa t-critical nangangahulugan ito na may makabuluhang pagkakaiba sa antas ng pangklaseng pakikilahok sa dalawang pangkat pagkatapos gamitan ng interbensyon. Ang kompyuted P-value na (0.00) ay mas mababa sa itinakdang zero puntos at lima (0.05) na level of significance, nangangahulugan ito ng pagtanggap ng mananaliksik sa alternatibong palagay na may makabuluhang pagkakaiba ang antas ng pangklaseng pakikilahok ng mga mag-aaral pagkatapos ng interbensyon. Bilang konklusiyon, nakatulong ang aplikasyong classpoint sa pagpapaunlad ng antas ng pangklaseng pakikilahok at pagtaas ng antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino 10.
Keywords: Classpoint, Pangklaseng Pakikilahok, Antas ng Pagkatuto, Mabuluhang pagkakaiba. Most essential learning competencies.

Back