Pagpapaunlad ng Makrong Kasanayan sa Pakikinig at Pagsasalita ng mga Mag-aaral ng Filipino 10 Gamit ang Podcasting Ngayong Panuruang Taong 2022-2023 | Back

Authors:
June 04, 2026 |

Research Theme: Teaching and Learning
Year Funded: 2023
Year Completed: 2023
Funding Type: Non-funded
Research Scope: Division
Division: Dagupan City
Locale of the Study: Dagupan City
Research Status: Completed
Research Type: Action Research
Year Completed: 2023
Cite Research (APA):

Abstract:
Isa sa kahingian ng Bagong Kurikulum ay ang paglinang sa mga kasanayang pang-ika-21 siglo kapwa sa mag-aaral at sa mga guro. Upang makasabay sa makabagong kalakaran sa pedagohiya o pagtuturo, ang pag-aaral na ito ay tinangka. Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa pagsipat sa epekto ng paggamit/ integrasyon ng teknolohiya particular ang Podcasting sa pagtuturo at pagkatuto ng mga mag-aaral bilang tugon sa tawag ng ika-21 siglong kasanayan. Tinangka ng pag-aaral na sagutin ang mga sumusunod na tanong: Ano ang mga karaniwang hamon na nararanasan ng mga mag-aaral sa paglinang ng kanilang mga kakayahan sa pakikinig at pananalita sa Filipino? Ano ang antas sa pakikinig at pananalita ng mag-aaral bago ang paglalapat ng interbensyon gamit ang podcast? Ano ang antas sa pakikinig at pananalita ng mag-aaral matapos ang paglalapat ng interbensyon gamit ang podcast?rn-C.M. Paras
Keywords: No provided keywords

Back