Epekto ng Mapanghikayat na mga Aktibit sa Bokabularyo (Makbok) App sa Pang-unawa sa Pagbasa | Back

Authors:
June 04, 2026 |

Research Theme: Teaching and Learning
Year Funded: 2023
Year Completed: 2023
Funding Type: Non-funded
Research Scope: Division
Division: Dagupan City
Locale of the Study: Dagupan City
Research Status: Completed
Research Type: Action Research
Year Completed: 2023
Cite Research (APA):

Abstract:
Ang pananaliksik na ito ay may layuning maiangat at mapataas ang talasalitaan tungo sa mapang-unawang pagbasa sa pamamagitan ng ng pagpapagamit ng mobile application na Mapanghikayat na mga Aktibiti sa Bokabularyo (MAKBOK) App ng mga mag-aaral ng Grade 9. Nilayon rin ng pag-aaral na ito na mapataas ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pang-unawa sa pagbasa sa pamamagitan ng pagpapaunlad o paghasa ng talasalitaan ng mga mag-aaral gamit ang dinebelop na app. Gumamit ang mananaliksik ng walumpong (80) mag-aaral na tagatugon sa pag-aaral na tumagal ng anim na buwan mula Pebrero 2023 hanggang Hulyo 2023. Idinukumento ng mananalaksik ang mababang kakayahan ng mga mag-aaral sa talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng research tools tulad ng mga katanungan (survey questionaire) at pagsusulit (pre-test at post- test). Mula sa mga tools na ginagamit natuklasan ng mananaliksik na may mababang kakayahan ang mga mag-aaral sa talasalitaan. Paggamit ng app na MAKBOK tuwing magtatalakay ng paksa sa panitikan ang naging lunsaran ng mananaliksik upang mapataas ang kanilang kakayahan sa talasalitaan. Pagsagot sa mga validated na activitivy sheets ang paraan ng ebalwasyon. Lumabas sa pag-aaral na tumaas ang antas ng pagkatuo ng mga mag-aaral sa talasalitaan gamit ang istratehiyang nabanggit tungo sa mapang-unawang pagbasa.rnSa kabuuan, ang pananaliksik na ito ay nabing mabisa ang paggamit Mapanghikayat na mga Aktibiti sa Bokabularyo (MAKBOK) App sa pagpapanlad ng talasalitaan ng mga mag-aaral. Pagkatapos maimplementa ang interbensyong istratehiya, lumalabas sa resulta na nagkaroon ng pag-angat o pagtaas sa kakayahan ng mga mag-aaral sa pang-unawa ng mga talasalitaan na mas nakatulong sa pag-unawa sa kanilang binabasa. Pinatunayan ito sa pagbabago ng mean score ng mga mag-aaral pagkatapos ng post-test. Mula sa 28.39 ay naging 45.03 ang mean experimental group o may 15.44 puntos na pagtaas. Ipinakita rin sa resulta ng T-test na may significant na defirensang mga pangkat na ginamit sa pag-aaral. Base sa resulta, nagbigay ang mananaliksik ng konklosyun na nagsasabing nakatulong ang interbensyong paggamit ng mobile application.\r\n-J.C. Pangan
Keywords: interbensyon, istratehiya, MAKBOK, talasalitaan, pagbasa

Back