Paglinang ng Kasanayan sa Pagsulat ng Ika-12 na Baitang Gamit ng Estratehiyang SAGAFIL | Back
June 05, 2026 |
| Research Theme: | Teaching and Learning |
| Year Funded: | 2023 |
| Year Completed: | 2023 |
| Funding Type: | Funded |
| Research Scope: | Division |
| Division: | Pangasinan II |
| Locale of the Study: | Laoac National Highschool |
| Research Status: | Completed |
| Research Type: | Action Research |
| Fund Source: | BERF |
| Grant Amount: | Php 15,000.00 |
| Year Completed: | 2023 |
| Cite Research (APA): |
Abstract:
Isa sa mga dapat malinang ng isang mag-aaral na kaniyang magagamit sa primarya, sekondarya, tersyary hanggang siya ay humakbang mundo puno ng hamon ay ang pagsulat. Isa ito sa mga makrong kasanayan na dapat matutunan ng isang tao, kabilang ang pakikinig, pagbasa, pagsasalita at ang panghuli, panonood. Bilang hamon sa mga ahensya ng ng edukasyon ibig pataasin ang literasiya ng bawat mag-aaral sa mga nabanggit na makrong kasanayan. Bilang tugon sa mga programang ito, isa ang pagsulat sa mas binigyang pansin upang mapaglaanan ng panahon at alokasyon ng pondo upang mas maisakatuparan ang mga hangarin nito sa pagsulat. Ang kasanayang ito ay maituturing na pinakamahirap sa lahat sapagkat ito ay bunga ng mga naririnig, bunga ng mga nababasa, at napapanood upang ang isang tao ay makasulat nang isang masusi at makabuluhang pahayag na kaniyang maituturing piyesa. Isa man ito sa mga nagiging malaking hamon sa bawat mag-aaral sa bansa, ngunit isa ito sa mga kakayahan na magdadala sa tugatog ng tagumpay ng bawat mamayan hindi lang sa domistikong larangan ngunit maging sa ibayong lugar sa ibang bansa. Ang pinakalayunin ng pamanahong pananaliksik na ito ay tumaas ang literasi ng pagsulat ng mga mag-aaral ng ika-12 baitang ng Humanities and Social Sciences ng (HUMSS) ng Laoac National High School, Distrito ng Laoac, Sangay ng Pangasinan II sa pamamagitan ng paggamit ng sanayang gawain sa filipino. Hinahangad din nitong makahanap ng sagot kung may makabuluhang pagkakaiba sa pagganap ng mga respondente pagkatapos gamitin ang inobasyon o interbensyon sa loob ng 8 linggo. May tatlumpu’t walo (38) na mag-aaral ang isinailalim bilang respondente sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito. Isang pre-test at post-test na disenyo ang ginamit para sa pag-aaral na ito gamit ang rubrics o pamantayan ang mga instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga kinakailangang datos. Batay sa natuklasang resulta, nagkaroon ng makabuluhang pag-unlad sa kasanayan sa pagsulat ng mga respondente matapos silang malantad sa mga aktibidad gamit ang sanayang gawain sa filipino (SAGAFIL) sa loob ng 8 linggo. Ang paraan ng mga pagsusulit ay tila may pagtaas na 12.72 sa pagganap o performans ng mga mag- aaral sa posttest pagkatapos ng pangangasiwa ng interbensyon. Samantala, mula sa datos gamit ng critical value na dulog na may alpha na 0.05, lumalabas na ang absolute value ng nakalkuladong z-stat (-15.513154) ay humigit lumampas sa criticial value gamit ang two-tail (1.95996398) na nagpapahiwatig na reject ang null hypothesis, samakatuwid ang resulta mula sa isinagawang interbensyon na sanayang gawain sa filipino ay may mahalagang kabuluhan sa performans ng mag-aaral na magreresulta sa magandang marka lalong lalo na sa larangan ng pagsulat.
Keywords: No provided keywords

Back